Lilimitahan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang bilang ng mga papasok na pasahero sa Pilipinas galing sa ibang bansa sa 1,500 kada araw.
Magsisimula ang implementasyon ng bagong patakaran simula Marso 18 hanggang Abril 18, 2021, bilang pagpigil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng tinatamaan ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Anomang airlines sa NAIA na lalabag sa maximum capacity ay haharap sa karampatang parusa sa paglabag sa Joint Memorandum Circular No. 2021-01.
Samantala, pinaalalahanan din ang mga airlines sa pagsunod sa mga mga direktiba ng Bureau of Immigration kaugnay sa maaari lamang papasukin na pasahero sa bansa.—sa panulat ni Agustina Nolasco.