Nakitaan ng Department Of Health (DOH) ng pagbaba ng bilang ng occupancy rate ang mga kama sa ospital na nakalaan para sa mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19 sa Metro Manila maging sa ibang rehiyon.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, noong Nobyembre 29 ay kapansin-pansin na ang pagbaba ng utilization rate ng COVID beds sa bansa.
Ang critical care utilization rate aniya ay tumutukoy sa occupancy rate sa Intensive Care Unit beds, isolation beds, COVID ward beds at mechanical bed ventilators sa buong bansa.
Partikular umanong nakita ang pagbaba sa National Capital Region, region 4B, region 9 at region 13 o CARAGA.