Inihayag ng Philippine General Hospital (PGH) na lampas na sa kanilang operating capacity ang kanilang inilaan para sa mga pasyenteng may COVID-19.
Sinabi ni PGH Spokesperson Dr. Jonas Del Rosario, mayroon silang halos 320 COVID beds para sa mga pasyenteng may COVID-19 kung saan, 310 ang mga pasyente ngayon sa ospital, at halos 40 na mga pasyente ang nasa emergency room na naghihintay na makapasok.
Bukod dito, mayroon pang halos 200 pasyente na naghihintay na ma-admit sa PGH.
Imposible na rin aniyang ma-admit ang mga pasyenteng nasa waitlist, lalo’t kulang na rin sila sa mga doktor. –-sa panulat ni Hyacinth Ludivico