Sumampa na sa mahigit 8, 400 ang kaso ng tigdas simula Enero 1 ng kasalukuyang taon.
Kumpara ito sa halos 2, 400 kasong naitala sa kaparehong panahon noong isang taon.
Ayon sa Department of Health, sa gitna ng idineklarang measles outbreak sa ilang rehiyon ay umabot na sa 136 ang nasawi.
Karamihan sa mga kaso ay mula sa mga lugar na idineklara ang measles outbreak sa pangunguna ng CALABARZON na 1,875 at Metro Manila, 1,841.
Samantala, muling hinimok ni Health Secretary Francisco Duque III ang mga magulang na pabakunahan kontra tigdas ang kanilang mga anak lalo ang mga anim na buwang gulang hanggang limang taon.
Inilunsad din ng DOH ang isang infomercial sa tulong ni people’s champ at Senador Manny Pacquiao upang makahikayat ng mas maraming mamamayan na magpabakuna.