Hindi bababa sa 20 ang patay sa anti-drug operations sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila sa buong magdamag.
Halos sampu (10) rito ang nangyari sa Malate, Lawton, Tondo at Sta. Cruz Maynila.
Sa Caloocan City, unang nakapagtala ng tatlong patay sa police operations sa 2nd Avenue Barangay 120 na sinundan ng isa pa sa Abato St. sa Barangay 13 Caloocan City at Barangay Bugallon.
Samantala, sa Quezon City, dalawa ang nasawi sa hiwalay na police operations sa Novaliches.
By Len Aguirre