Aabot na sa mahigit 300 ang patay sa dalawang buwang kampanya ng Philippine National Police (PNP) kontra illegal drugs.
Katumbas ito ng 50 napapatay na suspek sa iligal na droga kada araw, simula noong Mayo 10.
Taliwas ito sa tala ng Commission on Human Rights (CHR) na 150 o sampung napapatay kada araw simula naman nang maupo sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte, noong Hunyo 30.
Ayon kay CHR Commissioner Roberto Cadiz, posibleng tumaas pa ang bilang na ito dahil hindi lahat ng kaso ay naisasapubliko sa pamamagitan ng media.
Karamihan anya sa mga lugar kung saan may pinakamataas na bilang ng mga napapatay na drug suspect ay mula sa Region IV, Region 3, Region 7 at Region 8.
Samantala, libu-libong drug users at pushers na ang sumusuko sa iba’t ibang panig ng bansa.
By Drew Nacino