Umakyat na sa mahigit isandaan 20 ang patay sa ika-apat na sunod na araw na sagupaan ng Kurdish Forces at Islamic State sa Syria.
Ayon sa Syrian Observatory for Human Rights, kabilang sa mga nasawi sa bakbakan ang pitong sibilyan, halo 40 kurdish fighters at mahigit 50 ISIS members.
Huwebes nang salakayin ng mga terorista ang isang bilangguan sa Hasakeh City, kung saan mahigit 3,500 Jihadist ang nakapiit.
Bagaman tinangay ng mga ISIS member ang maraming armas at pinatakas ang mga bilanggo, karamihan sa mga ito ay nahuli na habang daan-daang iba pa ang tinutugis.
Dahil sa pagsiklab ng panibagong bakbakan, libu-libong sibilyan ang muling nagsilikas.