Halos apatnaraang katao na ang patay sa nagpapatuloy na crackdown ng gobyerno ng Myanmar laban sa mga Rohingya muslim minority na tumatakas sa kaguluhan sa Rakhine state.
Tinatayang tatlumpu’t walong libong Rohingya na ang tumawid sa Bangladesh mula sa Myanmar, isang linggo matapos salakayin ng mga terorista ang isang police station at army base sa Rakhine.
Dahil sa nagpapatuloy at lumalawak na kaguluhan, nangangamba na si United Nations Secretary-General Antonio Guterres lalo’t sa labis na paggamit ng pwersa ng militar.
Umapela naman si Guterres sa gobyerno ng Myanmar na maging mahinahon upang maiwasan ang humanitarian catastrophe.