87 katao na ang patay sa bakbakan ng mga sundalo at mga armadong lalaki sa bansang Burundi, simula noong Biyernes.
Ayon sa mga otoridad, 79 sa mga napaslang ay kalaban ng pamahalaan habang walo ang nalagas sa panig ng pamahalaan.
Naganap ang pag-atake ng armadong grupo sa dalawang military bases at isang military training school sa kabisera na Bujumbura.
Inakusahan naman ng ilang testigo ang gobyerno na nasa likod ng extrajudicial killings lalo’t karamihan umano sa mga napaslang ng army ay sibilyan kabilang ang ilang bata na iginapos.
Ang nagpapatuloy na karahasan ay nag-ugat sa proposal na payagang tumakbo para sa ikatlong termino si Burundian President Pierre Nkurunziza.
By: Drew Nacino