Tumaas pa ang bilang ng mga nasawi sa pagtama ng landslide sa Guatemala.
Base sa pinakahuling datos, sumampa na sa 69 ang kumpirmadong namatay sa landslide habang 300 pa ang nawawala.
Partikular na naapektuhan ng landslide ang El Cambray II sa bayan ng Santa Catarina pinula, kung saan mahigit 100 kabahayan ang nasira bunsod ng patuloy na mga pag-ulan.
By: Meann Tanbio