Pumapalo na sa tatlong daan at labing tatlo (313) ang death toll sa nagpapatuloy na bakbakan sa Marawi City.
Pinakahuli sa mga nadagdag sa listahan ng casualties si Lt. Junrich Legada na miyembro ng special forces operations group ng Philippine Army at tubong Midsayap, North Cotabato.
Sa kabuuan, sinabi ni AFP o Armed Forces of the Philippines Spokesman Brig. General Restituto Padilla na umakyat na sa dalawang daan at dalawampu’t walo (228) ang bilang ng mga napatay na miyembro ng Maute terror group at Abu Sayyaf Group.
Batay naman sa tala ng AFP at DSWD o Department of Social Welfare and Development, nananatili sa dalawampu’t anim (26) ang bilang ng mga patay na sibilyan.
By Meann Tanbio
Bilang ng patay sa Marawi crisis umabot na sa 313 was last modified: June 17th, 2017 by DWIZ 882