Halos apatnaraan (400) na ang patay sa landslides at flashfloods bunsod ng walang tigil na ulan sa Freetown, Sierra Leone.
Pawang mga residente ng isang bulubunduking bahagi ng naturang lugar ang mga narekober na bangkay at inaasahang tataas pa ang bilang ng mga fatalities sa pagpapatuloy ng search and retrieval operations.
Ito na sa ngayon ang pinakamalalang natural calamity sa kasaysayan ng Africa sa nakalipas na ilang taon.
Samantala, halos 300 na ang patay sa flashfloods at landslides sa Northern India, Southern Nepal at Bangladesh dahil din sa walang tigil na pag-ulan dulot ng habagat.
Pinakamatinding naapektuhan ang Northern Indian kung saan nasa 200 ang nasawi at nasa isang milyong katao na ang apektado sa tatlong bansa.
By Drew Nacino