Pumapalo na sa 62 ang nasawi sa pagputok ng bulkan sa Guatemala.
Ayon sa National Institute of Forensic Sciences ng Guatemala, labing tatlo (13) na ang nakilala ng mga awtoridad.
Ang sitwasyon ngayon ay maituturing na pinakamalalang insidente ng pagsabog ng Mt. Fuego sa nakalipas na apat na dekada.
Ang nasabing pag-aalburuto ng bulkang Fuego ay matinding nakapinsala sa mga coffee farms at pagsasara ng kanilang international airport.
—-