Itinigil muna ang pag-apula sa apoy matapos ang serye ng pagsabog sa isang warehouse sa China.
Sa inilabas na statement ng China government, hindi pa malinaw kung gaano kadelikado ang mga contents na taglay ng pinaniniwalaang “dangerous goods” sa loob ng naturang imbakan.
Sa ngayon ay pumalo na sa 50 katao ang namatay bunsod ng pagsabog kabilang dito ang 12 mga bumbero.
Mula naman sa 400, ay 520 katao na ang isinugod sa ospital dahil sa injury at halos 70 rito ang nasa kritikal na kondisyon.
Samantala, inaalam pa ng Department of Foreign Affairs (DFA) kung may mga Pinoy na nadamay sa naturang malakas na pagsabog.
By Mariboy Ysibido
Photo Credit: bbc.com