Sumampa na sa 5,050 ang bilang ng patay sa pinaigting na kampanya kontra iligal na droga ng Duterte administration.
Ang naturang bilang ay nagmula sa datos ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), simula Hulyo 1 taong 2016 hanggang Nobyembre 30 ng kasalukuyang taon.
Ayon kay PDEA Spokesman Derrick Carreon, tinaya na sa 164,000 drug personalities na ang naaresto sa 115,000 anti-drugs operations sa buong bansa.
Ipinaliwanag naman ni Carreon na natural lamang na lumaban sa anumang security threat ang isang law enforcer tulad ng pulis kung mamemeligro ang kanyang buhay maging ng mga tao sa kanilang paligid.
Samantala, umabot na sa tatlong toneladang shabu na nagkakahalaga ng P18.4 billion ang nasabat ng mga otoridad hanggang noong Nobyembre 30.