Tumaas ng 11.5 percent ang bilang ng pera na umiikot sa bansa o domestic liquidity, kumpara noong nakaraang taon.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), patuloy na tumataas ang bilang ng perang umiikot sa bansa dahil sa mataas na demand para sa credit.
Sa talaan ng BSP, ang bulto ng mga utang sa bangko ay napupunta sa real estate, utilities, retail trade, pag-rerepair ng sasakyan, manufacturing, information at communications.
By Katrina Valle