Tumaas sa 18,005 ang bilang ng mga Pilipinong dinapuan ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na nasa labas ng bansa matapos makapagtala ng apat na bagong kaso ngayong Miyerkules ang Department of Foreign Affairs (DFA).
Habang 11,042 mula sa bilang na ito ay gumaling na at 5,850 naman ang patuloy pang nagpapagaling.
Samantala,wala namang naitalang nasawi ngayong araw ang DFA at nanatili sa 1,113 ang kabuuang bilang ng lahat ng namatay dahil sa COVID-19.—sa panulat ni Agustina Nolasco
14 April 2021
Figures today show 4 new COVID-19 cases, 4 new recoveries, and no new fatality among Filipinos abroad….
Posted by Department of Foreign Affairs, Republic of the Philippines on Wednesday, 14 April 2021