Sumampa na sa 71.8 milyong Pilipino ang fully-vaccinated na laban sa Covid-19.
Ayon kay Department of Health (DOH) Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire, kabilang sa mga ito ang 9.7 milyong kabataang edad 12 hanggang 17, at 4.2 milyong edad 5 hanggang 11 na dadalo sa face-to-face classes sa Agosto 22.
Nasa 6.8 milyong senior citizens rin ang fully-vaccinated na sa bansa.
Habang ang mga naturukan ng ikalawang booster shot ay umaabot na ngayon sa 1.4 milyon.
Samantala, sinabi ng DOH na 16.4 milyong indibidwal ang napasama na sa PinasLakas campaign ng DOH na nilalayong maturukan ng booster shot ang 23.8 milyong Pilipino.
Gagawin ito sa unang ika-100 araw ni Pangulong Bongbong Marcos sa pwesto.