Bumaba ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho nitong buwan ng Hulyo.
Ayon sa National Economic and Development Authority o NEDA, mula sa 6.7 percent na unemployment rate Hulyo noong nakaraang taon, bumaba ito ng 0.2 percent o 6. 5 percent sa kabuoan.
Ipinabatid ng NEDA na ang service sector ang pangunahing hanapbuhay ngayon ng mga Filipino na sinundan ng industry sector at public and private construction.
Matatandaang batay sa lumabas na survey ng Social Weather Stations, lumobo pa sa 23.2 percent o katumbas ng mahigit 10 milyong Filipino ang walang trabaho sa 2nd quarter ng 2015.
Mas mataas ito 4. 1 percent kumapara sa 19. 1 percent mula sa 1st quarter ng 2015.
By: Ralph Obina