Inihayag ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na bumaba ang bilang ng Philippine Offshore Gaming Operators o POGOS sa bansa.
Ayon kay Joseph Lobo ng PAGCOR, aabot na lamang sa 39 POGOs kumpara sa 63 POGO Licensees noong 2019 at 53 POGOs noong 2020 ang nag-o-operate ngayon sa bansa.
Sa 39 POGO licensees, 27 lamang dito ang kasalukuyang operational bunsod ng COVID-19 pandemic.
Bukod pa diyan, bumaba rin ang bilang ng POGO workers ngayong taon na may kabuuang 31,816 kumpara sa 120,000 noong 2019 at 50,259 noong 2020.
Samantala, mula naman sa 228 noong 2019 at 185 noong 2020, nasa 146 nalang ngayon ang bilang ng PAGCOR pagdating sa accredited service providers ngayong taon.—sa panulat ni Angelica Doctolero