Patuloy na nababawasan ang mga private armed group na binabantayan ng pulisya tuwing eleksyon.
Batay sa datos mula noong June 2010 elections kung kailan naitala ang 107 private armed groups, bumaba ito sa 81 noong 2013.
Ngayong eleksyon 2016, bumaba pa sa 76 ang binabantayang private armed groups sa bansa.
Samantala, patuloy na pinag-aaralan ng mga awtoridad kung isasama sa listahan ng election watchlist areas ang Nueva Ecija at Abra.
Ang dalawang nabanggit na probinsya ay dating kabilang sa election hotspots dahil sa mainit na tunggalian ng mga local official at pamamayagpag ng private armed groups.
By Meann Tanbio | Jonathan Andal (Patrol 31)