Pumalo na sa 80 ang persons under investigation (PUI) sa bansa na hinihinalang mayroong 2019 novel coronavirus.
Ayon sa Department of Health (DOH), 67 dito ang inilagay sa mga isolation rooms sa mga ospital.
10 naman sa kabuuang bilang ang nakalabas na sa ospital matapos mag negatibo ang resulta ng test na ginawa sa kanila.
Magugunita na noong nakaraang linggo ay naitala ang ikalawang kumpirmadong kaso at unang pagkamatay dahil sa nCoV sa Pilipinas.