Pumalo na sa 606 ang bilang ng persons under investigation (PUIs) dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito’y matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng karagdagang siyam na PUIs ngayong Sabado, Pebrero 22.
Ayon sa DOH, 130 sa mga ito ay kasalukuyang naka-confine sa ibat-ibang ospital samantalang 473 naman ang nakalabas na.
Nangunguna pa rin ang National Capital Region (NCR) sa may pinakamaraming bilang ng PUIs at pinaka kaunti naman sa Eastern Visayas region.
Sinabi rin ng DOH na nananatili sa tatlo ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.