Pumalo na sa 284 ang bilang ng mga persons under investigation (PUI) dahil sa posibilidad ng pagkahawa sa 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (nCoV-ARD).
Ayon sa Department of Health (DOH), 240 sa nabanggit na bilang ang naka-admit sa iba’t ibang mga ospital, 15 ang tumangging magpa-confine at 24 ang nadischarge na.
Pinakamaraming PUI’s ang naitala sa Metro Manila na umaabot sa 108.
Habang nananatili namang 3 ang kumpirmadong kaso ng 2019 nCoV-ARD sa bansa.
Kinabibilangan ito ng dalawang Chinese national na bumiyahe ng Wuhan City at isang 44 anyos na lalaking Chinese na siyang kauna-unahang nasawing pasyente sa labas ng China.