Dalawang pulis na ang naitalang nasawi sa ambush na naganap sa Catubig Town sa Northern Samar noong Lunes ng umaga.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Pol. Brig.-Gen. Bernard Banac, Director ng Eastern Visayas Police Office na kaninang madaling-araw lamang binawian ng buhay ang pulis sa ospital.
Dahil dito, dalawa na ang nasawi sa ambush habang dalawang pulis at tatlong sundalo ang nasugatan.
Inaasahang ngayong araw maipapaalam na ng pnp ang nangyari sa pamilya ng ikalawang nasawing pulis. — sa panulat ni Abby Malanday