Nagkaroon ng 203 na bagong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) at isang insidente ng pagkamatay sa hanay ng Philippine National Police (PNP).
Ayon kay PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar, ang pinakahuling nasawi ay 55 taong gulang na may ranggong Police Master Sgt. at nakatalaga sa Cagayan de Oro City.
Nabatid na nagkaroon ng ubo at lagnat ang nasabing pulis noong Mayo 24 ngunit pumanaw ito kinabukasan.
Sa kasalukuyan, mayroon nang 24,691 na total confirmed cases sa PNP kung saan nasa 1,733 ang active cases.
Dahil naman sa 104 na bagong recoveries, sumirit na sa 22,890 ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa hanay ng Pambansang Pulisya.