Bumaba ang bilang ng mga pulis na dinapuan at nagpositibo sa COVID-19.
Ito’y makaraang makapagtala ang Philippine National Police (PNP) health service ng 39 na bagong kaso ng virus sa kanilang hanay.
Batay sa datos ng PNP, 12 ang nagmula sa National Capital Region Police Office (NCRPO), 8 sa Ilocos PNP, 7 sa Eastern Visayas at 6 sa National Operations Support Service.
Tatlo ang naitala mula sa CALABARZON PNP, 2 mula sa CARAGA at 1 naman mula sa Central Visayas.
Sa kabuuan aabot sa 4,333 ang bilang ng mga pulis na tinamaan ng Covid-19 sa hanay ng PNP.
Mula sa nasabing bilang, 3,001 ang naitalang recoveries habang nananatili naman sa 16 ang bilang ng mga nasawi.