Binabaan ng Estados Unidos ang bilang ng mga migrante na papayagan nilang makapasok sa kanilang bansa sa susunod na taon.
Sinabi ni US President Donald Trump, ito ay kanilang hakbang upang tiyakin ang kaligtasan ng kanilang mga kababayan at maiwasan na makapasok ang mga naghahasik ng terorismo.
Ani President Trump, nasa 45,000 refugees lamang ang papayagang makapasok ng kanilang bansa.
Sa nasabing bilang ay 19,000 dito ay mula sa Africa; 17,500 ay mula sa East at South Asia kabilang ang Middle East countries; 5,000 naman sa East Asia; 2,000 sa Europe and Central Asia; at 1,500 sa Latin America at Carribean.