Lampas 60-M na ang mga nagparehistro para sa Mayo 2022 National Elections.
Ipinabatid ni COMELEC Spokesman James Jimenez na nasa 61.06-M na ang registered voters hanggang buwan ng Hulyo at inaasahan aniya nilang dadami pa ang magpaparehistro para sa eleksyon sa susunod na taon.
Nabalam ang patuloy na registration dahil sa pagpapatupad ng ECQ sa Metro Manila mula Agosto 6 hanggang 20.
Tatagal hanggang Setyembre 30 ang voter’s registration mula alas-8 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi, Lunes hanggang Biyernes bukod pa sa 8am-5pm schedule naman ng pagpaparehistro kapag Sabado at holiday.