Bumaba sa anim ang bilang ng Rehiyon sa Pilipinas na nakalagpas sa epidemic threshold para sa mga naitatalang kaso ng dengue.
Ayon kay Department of Health (DOH) Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire, mula ito sa 10 hanggang 11 rehiyon noong nakalipas na maraming buwan.
Nagde-determina ang epidemic threshold sa average na bilang ng kaso ng dengue sa loob ng limang taon.
Ang anim na rehiyon na nakalagpas sa pandemic threshold ay ang Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Cordillera Administrative Region, at National Capital Region.
Sa huling datos ng DOH, pumalo sa 19, 816 ang dengue cases sa bansa na karamihan ay nagmula sa Central Luzon, NCR at Cagayan Valley.