Tumataas naman ang mga severe at critical na kaso ng COVID-19 nitong mga nagdaang linggo.
Ito ang kinumpirma ni Department of Health Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire matapos iulat na mayroong 811 severe at critical cases na na-admit sa mga ospital noong Agosto a – 21.
Ayon kay Vergeire, ang nasabing bilang ay 9.7% ng kabuuang COVID-19 admissions.
Gayunman, hindi pa naman anya lumalampas sa 1, 000 o 10% na threshold ang bilang ng mga severe at critical case.
Sa 23, 883 additional COVID-19 cases simula Agosto a – 15 hanggang a – 21, 101 individuals ang mga bagong malubha o kritikal na kaso.