Sumampa na sa tatlong libong Filipino ang ni-repatriate mula United Arab Emirates, simula nang magkaroon ng COVID-19 pandemic.
Ayon sa Department of Foreign Affairs, karagdagang 359 na Pinoy ang pinauwi mula UAE, kahapon.
Kabilang sa mga dumating sa Davao International Airport ang nasa 112 buntis at 12 persons with disabilities.
Tiniyak ni Foreign Affairs Undersecretary for migrant workers affairs Sarah Lou Arriola na mina-madali na nila ang pagpapauwi sa lalong madaling panahon ng mga Pinoy lalo ang mga buntis at PWD.
Isinagawa ng DFA ang repatriation sa pamamagitan ng Office of the Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs katuwang ang Philippine Embassy sa Abu Dhabi, Philippine Consulate General sa Dubai at Regional Consular Office sa Davao. —sa panulat ni Drew Nacino