Umabot na sa 17 ang bilang ng sugatan dahil sa paputok sa loob ng dalawang araw, mula Disyembre a-22 hanggang Disyembre a-23.
Ayon sa Department of Health, mula sa nasabing bilang, labing anim ang lalaki na nasa pagitan ng edad 7 hanggang 37 taon.
Dahil dito, nagpaalala ang doh sa publiko, partikular na sa mga menor de edad, na iwasan ang paggamit ng anumang paputok, sa halip ay gumamit na lamang ng tambol, torotot, o anumang pampaingay. – Sa panulat ni John Riz Calata