Umabot sa tatlong daan at dalawampu’t anim (326) na rebeldeng New People’s Army o NPA ang sumuko sa unang buwan ng 2018.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Public Affairs Office Chief Lieutenant Colonel Emmanuel Garcia, naitala ang mga pagsuko sa Masbate, Davao Oriental, Compostela Valley, Pampanga at Agusan del Sur.
Kabilang sa mga sumuko nitong Enero ang dating chairperson ng Anakpawis na si Gemma Quiroga.
Kasama ding sumuko ang isang 16-anyos na rebelde na patunay anyia na nagre-recruit ng mga menor de edad ang NPA.
Ayon kay Garcia, sumuko ang mga rebelde dahil hindi na nagugustuhan ng mga ito ang pamamalakad sa dati nilang organisasyon.
Dahil dito, umaasa ang militar na mahihikayat rin ang iba pang rebeldeng NPA na sumuko sa pamahalaan.
—-