Umakyat na sa 24 ang bilang ng mga teaching at non-teaching personnel na nagsampa ng reklamo kaugnay sa phishing at hacking incidents sa kanilang payroll accounts sa Landbank.
Sa panayam sa DWIZ, sinabi ni Benjo Basas, tagapangulo ng Teacher’s Dignity Coalition (TDC) na mula ito sa apat na pung reklamo na kanilang natanggap.
Posible namang madagdagan pa ang bilang dahil maraming guro ang nagpahayag ng pagkadismaya sa nangyari.
Tinatayang nasa P900 hanggang P200K ang halaga ng withdrawal na naitatala sa accounts ng mga guro.
Kaparehong dahilan ang pagkakatanggap ng one-time pin o otp na senyales may nagbubukas ng kanilang account. —sa panulat ni Abigail Malanday