Pinag-aaralan ng Commission on Population (POPCOM) ang dahilan ng pagbaba ng bilang ng teenage pregnancy sa bansa.
Nabatid na naitala ng Philippine Statistics Authority (PSA) ngayong taon ang 5.4% o mababang bilang ng mga kabataang maagang nabubuntis mula sa 8.6% noong 2017.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni POPCOM Deputy Executive Director Lolito Tacardon na tinitingnan nilang dahilan sa pagbaba ng teenage pregnancy ang COVID-19 pandemic.
Binigyang-diin naman ni Tacardon na ikinokonsidera nila ang kasalukuyang datos ng teenage preganancy bilang isang accomplishment.