Dumoble pa ang naitalang kaso ng dengue sa bansa at mga nasawi dahil dito.
Batay sa pinakahuling disease surveillance report ng Department of Health (DOH), pumalo sa 196,728 dengue cases ang naitala sa Pilipinas simula Enero a-1 hanggang Nobyembre a-5.
Ang tala ay 191% na mas mataas kumpara sa kaparehong panahon noong 2021 na nasa 67,537 lamang.
Samantala, dumoble rin ang bilang ng nasawi sa dengue sa bansa na nasa 642 na ngayon, mula sa 247 noong 2021.
Ang Central Luzon ang may pinakamaraming kaso ng dengue na may 38,640, sinundan ng National Capital Region na may 22,666 at CALABARZON na may 16,575.