Umakyat na sa 20,752 ang kabuuang bilang ng mga Pilipinong nahawaan ng Coronavirus Disease 2019 habang nasa ibang bansa.
Sa pinakahuling datos ng Department of Foreign Affairs, lima ang naitalang bagong kaso ng Pilipinong tinamaan ng COVID-19.
Sa ngayon mayroon pang 7,291 mga pasyenteng nagpapagaling.
Nananatili naman sa bilang na 12,234 ang total recoveries habang nasa 1,227 naman ang total deaths.
Ayon sa DFA, mula sa 94 bansa at teritoryo ang mga naitalang kaso ng COVID-19 cases sa mga Pilipino abroad.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico