Umabot sa 6,192 ang nadagdag na kaso ng COVID-19.
Batay sa huling tala ng Department of Health (DOH) umakyat na sa 1,424,518 ang kabuuang COVID-19 case sa bansa.
55,482 dito o 3.9 percent ang aktibong kaso.
Ito na ang ika-apat na araw na sunod kung saan ang positivity rate ay mababa sa 12%.
Ayon sa World Health Organization (WHO), maituturing na kontrolado na ang sitwasyon ng COVID-19 sa isang bansa kung ang positivity rate ay 5% pababa sa loob ng dalawang linggo.