Umakyat na sa halos pitong libo (7,000) ang tinamaan ng tigdas simula Enero 1 kabilang ang isandaan labinlimang (115) nasawi.
Ayon kay Health Secretary Fransisco Duque III, pinakamarami ang naitala sa Metro Manila na isanlibo pitundaang (1,700) kaso; Calabarzon, isanlibo animnaraan limampu (1,650) at Central Luzon, dalawandaan walumpu’t dalawa (282).
Magugunitang idineklara ng Department of Health (DOH) ang measles outbreak sa National Capital Region (NCR), Central Luzon at Calabarzon.
Pitumpung (70) porsyento aniya ng mga pasyenteng dinala sa San Lazaro Hospital sa Santa Cruz, Maynila ay mula sa Metro Manila, Bulacan, Cavite at iba pang karatig lalawigan.
—-