Umakyat na sa siyam (9) ang bilang ng mga tinamaan ng zika virus sa Vietnam.
Ayon sa General Department of Preventive Medicine o GDPM, ang pinakahuling dinapuan ay isang batang babae sa probinsya ng ‘Long An’.
Sinasabing mayroon pang 8 hinihinalang kaso ng zika infections ang binabantayan ng mga health officials sa Ho Chi Minh City.
Dahil dito, muling nanawagan sa mga buntis na babae ang mga awtoridad na mag-ingat upang hindi maapektuhan ang sanggol sa kanilang sinapupunan.
By Jelbert Perdez