Lumobo ang bilang ng nagkakasakit ng dengue sa bansa ngayong taon.
Ayon sa Department of Health (DOH), mahigit limampu’t dalawang libo (52,000) ang nagkasakit ng dengue mula noong January 1 hanggang March 23, 2019 kung saan mahigit dalawang daan (200) dito ang nasawi.
Higit na malaki ito kumpara sa naitalang bilang ng nagka dengue sa parehong panahon noong 2018.
Nagbabala naman ang DOH na posibleng mas lumobo pa ang bilang ng tatamaan ng dengue ngayong tag-init.
Paliwanag ng DOH, mas agresibo ang mga lamok sa mangangagat kapag mainit ang panahon.
Dagdag pa dito, ngayong taon tatama ang mas maraming bilang ng may dengue dahil na rin sa 3-year cycle ng dengue kung saan noong dalawang nakalipas na taon ay nagkaroon ng pagbaba sa bilang na susundan naman ng biglaang pagdami ng nagkakasakit ng dengue.
—-