Nakikita ng Department of Tourism (DOT) na papalo sa apat na milyon ang mga bilang ng mga turisyang bumibisita sa Northern Luzon.
Ayon sa DOT, mula Enero hanggang Nobyembre 18 ngayong taon ay pumalo sa 3.8 milyon ang mga turistang bumisita sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, at Central Luzon.
Halos kalahati na ito ng bilang ng turista na bumisita sa bansa bago ang COVID-19 pandemic noong 2019, na aabot sa 8.26 na milyon.
Tiwala naman si Tourism Secretary Christina Garcia Frasco na babalik sa normal ang bilang ng turistang bumibista sa bansa matapos buksan ng pamahalaan ang borders para sa kanila.