Sumampa na sa mahigit dalawang milyon ang bilang ng turistang dumating sa Pilipinas.
Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco, nalagpasan na ng tala ang 1.7 milyong arrivals, na target ng Department of Tourism noong Oktubre.
Dahil dito, itinaas ng departamento sa 2.4 na milyon ang target visitors sa bansa sa pagtatapos ng taong 2022.
Binigyang-diin naman ni Frasco na isa pa rin ang pilipinas sa mga bansa sa buong mundo, na madalas dayuhin ng mga turista.