Bumaba ang bilang ng mga turistang pumupunta sa Boracay Island.
Batay sa datos ng tourism officer ng Malay local government, umabot na lamang sa 30,000 ang bumibisita rito noong Enero 1 hanggang Enero 23 mula sa 113,596 na naitala noong Disyembre 2021.
Matatandaang ibinalik noong Enero 9 ang requirement na pagpapakita ng negative swab test results sa COVID-19 bunsod ng muling pagtaas ng kaso ng virus.–-sa panulat ni Airiam Sancho