Umabot na sa 1,000 ang bilang ng Ukranian evacuees sa Japan mula nang salakayin ng Russia ang bansang Eastern Europe noong huling bahagi ng Pebrero ayon sa immigration services agency of Japan.
Bilang tulong sa mga evacuees, nagbigay ang pamahaalan ng Japan gaya nang pagsasaayos ng biyahe ng mga nagnanais magtungo sa nasabing bansa mula sa Poland.
Gayundin ang pagbibigay ng pang-araw-araw na allowance na 2,400 Yen o 19 dollars sa mga lumikas na walang anumang mga kamag-anak o kakilala na maaaring puntahan, pagbibigay ng libreng serbisyong medikal at Japanese language lessons.
Nabatid na batay sa pinakabagong tala ng Office of the United Nation High Commissioner for Refugees nitong Biyernes nasa 6.4 milyon na ang lumikas sa Ukraine mula nang salakayin ng Moscow ang bansa.