Tumaas ang bilang ng mga under-employed at part-time worker o mga empleyadong hindi regular sa trabaho o may trabahong hindi naman akma sa kanilang skills o tinapos na kurso.
Ayon sa Ibon Foundation, sa ilalim ng Duterte Administration ay umakyat sa 7.5 Million ang under-employed nito lamang Enero kumpara sa 6.4 Million sa kaparehong panahon noong isang taon, batay sa official labor force data.
Ito’y kahit pa tumaas ng 41.8 Million ang bilang ng mga may trabaho noong January 2018 mula sa 39.3 Million sa kaparehong panahon noong isang taon.
Isa rin anilang indikasyon na lumalala ang jobs situation sa bansa ay ang pagtaas ng bilang ng mga nasa informal sector work na 16 Million nitong Enero kumpara sa 14.6 million noong Enero ng isang taon.
Samantala, tumaas sa 14.8 Million ang bilang ng part-time workers o mga nagtatrabaho ng hindi hihigit sa 40 oras kada linggo noon ding Enero kumpara sa 13.4 Million sa kaparehong panahon noong isang taon.