Lomobo pa sa mahigit 1115 ang bilang ng mga lumabag sa ilalim ng “no contact apprehension policy” ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Ipinabatid ni MMDA Chairman Emerson Carlos na karahiman sa paglabag ng ilang driver ng public utility buses o PUB ay dahil sa no loading at unloading zone.
Bukod dito, sinabi ni Carlos na kabilang pa sa violations ay overspeeding, beating the red light, number coding swerving, illegal counterflow, blocking intersections at iba pa.
Ang “no contact apprehension policy” ng MMDA ay sinimulang ipatupad noong Abril 15 sa ilang major thoroughfares na kinabibilangan ng Edsa, Commonwealth Avenue, Diosdado Macapagal Avenue, Marcos Highway, Roxas Blvd, C5 Road, Quezon at iba pang pangunahing kalsada.
By Meann Tanbio