Bumaba ang bilang ng walang trabaho sa bansa sa huling bahagi ng 2017.
Batay ito sa survey ng Social Weather Stations o SWS kung saan naitala ang 15.7 percent na unemployment rate o katumbas ng 7.2 milyong Pilipinong walang trabaho.
Mas mababa ito ng 3.2 puntos kumpara sa 18.9 percent na unemployment rate noong ikatlong quarter ng 2017 o katumbas ng 8.7 milyong walang trabaho.
Samantala, mayorya ng mga Pinoy o 53 porsyento ang positibong darami ang magbubukas na trabaho habang 12 porsyento lamang ng mga Pinoy ang naniniwalang kakaunti lamang ang trabaho sa huling bahagi ng 2017.
—-