Magdaragdag ng puwersa ang NCRPO o National Capital Region Police Office sa mga lugar sa Metro Manila bilang paghahanda sa nalalapit na eleksyon.
Katunayan, ayon kay NCRPO Chief Police Major General Felipe Natividad, tinatayang nasa 2,584 na mga miyembro ng regional office ang sumalang sa mandatory career courses sa mga regional training centers para sa pagsabak nila sa kanilang election duties.
Ayon kay Natividad, layunin nitong ipamalas ang kahandaan at kapabilidad ng mga pulis sa kanilang hanay.
Titiyakin din aniya nila na magiging ligtas ang mga mamamayan laban sa mga election-related violence o anumang insidenteng mangyayari sa kanilang lugar.